Ito ang kombinasyong in na in ngayon... dahil ba in din ang shifting sa ilang trabahong nauuso?
Ito rin ang feel kong i-blog ngayon dahil naalarm na ko sa observation ko sa paligid... I am mostly concerned sa dumadaming bilang ng mga kababaihang nagyoyosi...
Alam kong dati pa nauso ang mga babaeng nagyo-yosi... (I was once a yosi girl... pero sa gimikan lang... gusto ko lang bang pumarehas na kesa taga singhot lang ako ng usok... edi makipagsabayan ka na lang... pero hindi ko ito ginawang bisyo... and today - big NO NO na sya for me) Pero bofore, ang uso lang na naglalakad with yosi in their hands e mga pepot... But now!!! pati mga bebot... me-ay-walk na rin with yosi...
I don't have to expand on Yosi in it's ability to give us cancer... It's an inevitable fact... Wala naman talaga syang mabuting naidudulot kundi maka-meet ng mga etyos na chinuchurva ka lang naman... May cancer ka na sa lungs... dinamay pa pati puso mo...
Yan ang Yosi...
Eto ang strike 2... May yosi sa isang kamay, may Venti pang coffee sa kabila... Goodness gracesious great balls of fire...
Ok lang naman ang coffee, ayon sa medical experts wala namang cancerous effect ang caffeine... and caffeine itself isn't bad either... but again.. going back to basics... anything taken in excessive amount is harmful...
Caffeine?... marami tayong mare-research about this... pero paiikliin ko lang... para itong sipa ng kabayo sa cells natin, so it gives us drive... parang syota... na-i-inspire tayo sa ating ginagawa... PERO... PERO... isipin mo na lang... ano kayang mangyayari kung lagi kang sinisipa ng kabayo?... Di ka kaya mahapo?
Ok... i heard your excuse... night shift ako e... Kakaantok kaya sa gabi mag work... e Teka... ano bang totoong gamot sa antok? Diba TULOG?
Kung more than 1 cup ang coffee intake mo... the more you'll have difficulties in getting a deep sleep (pag time na for sleep)... e talagang aantukin ka sa trabaho... well, malaki kana, i don't need to elaborate on this much...
Bottom line is this... balik tayo sa "Alarming" scenes sa maraming kalye, sa mga harapan ng corporate buildings... 5 to 10 years from now, if these scenery continues... WE WILL HAVE ABOUT 500% INCREASE IN NUMBERS OF WOMEN HAVING AND DYING OF CANCER...
E wish ko lang.. sana yung mga nagyoyosi na lang ang magkaroon at mamatay... e how about 2nd hand and 3rd hand smokers??? That could be your son, daughter, mom, dad, siblings or anyone close to you...
Think again...
ads
No comments:
Post a Comment